Monday, November 8, 2010

Aral mula kay ginoong James Ellroy

So far isa pa lamang ang nababasa kong libro ni Mr. Ellroy (na isang respetadong crime writer) ito ang Blood on the Moon na parte ng Lloyd Hopkins Trilogy nya. Nagustuhan ko naman ito, minsan nga lang may mga parte ang nobela na medyo graphic at bayolente, mabigat sa dibdib kaya patigil tigil ako. Mga two months din yata bago ko natapos yung nobela nya kahit na maiksi ito kumpara sa ibang mga librong nabasa ko. Ang quote sa drawing ay mula sa interview nya sa website ni Chuck Palahniuk http://chuckpalahniuk.net/interviews/authors/james-ellroy-0. Astig itong mamang ito, at gaya ng ibang mga henyo na nabuhay (at nabubuhay) sa mundo natin eh iba din ang saltik nya sa ulo haha! May attitude ba. May angas. Pero siempre alam naman nating lahat na meron syang ibubuga.LinkEto yung isang sampol:

Joshua Chaplinsky
: You've described yourself as a religious person, how do you feel about the controversy over the World Trade Center mosque?

James Ellroy: What mosque? What controversy?

JC: You have no idea?

JE: No idea.

JC: They're building a mosque relatively close to the World Trade Center site, and certain people have taken umbrage.

JE:
This is the kind of question that I dislike, and I'll tell you why- it's got nothing to do with me. Whether they build a mosque or don't build a mosque.

JC: But people are interested in your opinion.

JE: I don't give a shit. I don't think about it.

JC: Okay.

Parang naisip ko na yung itsura ng mukha nung interviewer habang naguusap sila ng manunulat, hahaha! Kahit siguro sino magigitla...dahil kahit na mukhang isang geek na propesor si Ellroy eh alam mong 'di mo sya pwedeng bulsyitin at palagan. Marami pa syang "quotable quotes" mula sa interview pero kayo na lamang ang magbasa nung buo nilang pag-uusap.

Hindi ko masasabing fan ako ni James Ellroy dahil mas maraming mambabasa na mas knowledgeable sa mga likha nya. Pero I'm looking forward na mabasa ang iba nya pang mga akda. At sa tingin ko, ookupa ng maraming pwesto ang mga libro nya sa aking bookshelf at magpapasalamat nanaman sa akin ang mga lintek na bookstore.

Illustration: Copyright © Frantz Arno C. Salvador

2 comments:

Anonymous said...

Winner, hahaha! This makes me curious about his works.

Unknown said...

Teachers work with their pupils in school as much as possible. They have little homework to do when they get home.
togel singapura